Home » Post Item » ang bubble gum
Our lives has its own twists and turns. Sometimes you are flooded with laughters, at one point you are crying your heart out. Nobody knows why and how things happen. It is just the way it is.

ang bubble gum

June 29, 2007

Nandito na naman ako nakaupo sa isang sulok ng kwarto habang ngumunguya ng bubble gum… nakangiting inaalala ang nakaraan…

Ating balikan… Ring! ring! (tunog ng bell, 'di pa uso ang cellphone nung first year hiskul) Halos lahat ng mga kaklase ko ay nagsihikab at nag unat para di antokin. (Tunog ng takong ng sapatos) "Parating na si Ms. Q" naghihingalong babala ni Joseph (ang kaisaisang umaming bakla sa klase)."Isang subject nalang at recess na yeppeee" sigaw ng aking kaklase. Lahat ay nag pahayag ng kanya kanyang gustong bilhin para sa mirienda. Di nag laon, naghari ang katahimikan sa aming silid.  "Okey clas, kunin nyo na ang inyong mga takdang aralin" sang abi ng guro. habang ngumunguya kong kinukuha ang aking aklat… "Ms. Malaluan stand up! (sana sinabi ng guro na tumayo noh? filipino class kaya ito! hikhikhik) Pinadikit ng guro sa akin ang bubble gum sa board at pina guhitan ng bilog. 'Yon na yata ung pinakanakakahiyang nangyari sa akin.

Nag daan ang tanghalian… natapos ang hapunang clase… nagsiuwian na ang lahat… Ang bubble gum???  ay naiwang nakadikit sa pisara (whaaaa!! panindigan na natin filipino class nga).

Kinabukasan… Values Education ang unang naging topiko. tinanong ng klas adviser kung kanino at bakit mag bubble gum sa backboard. Agad kong sinabi ang nangyari at nagakong 'di na uulitin ang pag kain ng bubble gum.

Sa filipino class… Pangiting pumasok ang aming guro sa silid. Parang may ewang kumikiliti sa kanya. Pangiti nya ring tinitigan ang bubble gum sa board ng biglang…blaaaaaag! natabig ni ma'am ang bubble gum

 

 

 

 

Posted by mysh at 1:47 pm | permalink

Add a comment